RAFC Operational Meeting at AFC Mid-Year Review, isinagawa sa STIARC

Isinulat ni: Nataniel R. Bermudez

Pinangunahan ni Chairperson Guillermo Agripino M. Argosino ng Regional Agricultural and Fishery Council (RAFC) ang dalawang araw ng Operational Meeting at Agricultural and Fishery Council (AFC) Mid-Year Review noong ika-27-28 ng Hunyo 2017 sa Southern Tagalog Integrated Agricultural Research Center (STIARC), Brgy Marawoy, Lipa City, Batangas.

Ito ay dinaluhan ng nasa 100 AFCs ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon upang malaman at talakayin ang mga nagawa at gagawin pa nila upang makatulong sa mabilisang pagpapatupad ng programa bilang volunteers at kinikilalang non-government organization na katuwang ng Kagawaran.

Dito ay nagkaroon ng talakayan at pag-uulat ng accomplishments ng RAFC, Provincial Agricultural and Fishery Council (PAFC), at AFCs ng Highly Urbanized City; Monitoring and Evaluation Reports; at ang mga issues and concerns ng AFCs.

Pinangunahan din nina Amor A. dela Cruz, RAFC Coordinator at Rachel B. Abunda, RAFC Secretariat, ang pagbibigay ng Rationale at Overview ng mga aktibidad, RAFC Accomplishments para sa unang semestre ng taon at workshop para makamtan ang kanilang targets.
Si Pedrito R. Kalaw, Vice-Chairperson ng RAFC at Chairperson ng PAFC-Batangas ang nagbigay ng mensahe sa pagtatapos ng palatuntunan

Samantala, sa katatapos na Regional Management Committee (Regional ManCom) Meeting ay binanggit na ang RAFC ay lalagda rin sa lahat ng Memorandum of Agreement (MOA) na gagawin sa pamamagitan ng Local Government Units (LGUs) at Kagawaran sa pagbibigay ng ayuda kagaya ng farm machineries and equipment.