Isinulat ni:Nataniel R. Bermudez at kuha (larawan) nina; Nath, Brian at Amy

Nakamit ng While Team ang Overall Champion sa katatapos lamang na Regional Sports Fest 2017 ng Kagawaran ng Pagsasaka, Rehiyon IV CALABARZON na idinaos sa Southern Tagalog Integrated Agricultural Research Center (STIARC), Marawoy, Lipa City, Batangas noong Mayo 10-12, 2017.
Ang white team ay binubuo ng mga tauhan ng Lipa City (Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory, Regional Feed Laboratory, Regional Soils Laboratory, Organic Agriculture and Research Development Center, Lipa Agricultural Research and Experiment Station, STIARC at ang APCO’s Office).
Samantala, ang First Runner Up ay nakuha ng Red Team ng (Rizal at Cavite); second Runner Up ay ang Blue Team ng Regional Office at Staff ng RPCO – Philippine Rural Development Project (PRDP); at ang huli ay ang Green Team (Quezon at Laguna).
Sa pagbubukas ng palatuntunan, binalangkas ni Regional Executive Director Arnel V. de Mesa ang kahalagahan ng palakasan bilang isang pamamaraan para magkaroon ng kapatiran, pagkakakilala at team work sa isa’t-isa lalo na sa pagpapatupad ng mga gawain sa tanggapan. Ginabayan din ni RED de Mesa ang mga manlalaro, “na ang malakas na pangangatawan ay nagdudulot din ng mahusay na resulta sa trabaho at ang laro ay isinasagawa hindi upang manalo, kundi upang makiisa at kung papaano pagbubutihin ito”.
Kasabay ng palakasan, apat na kaganapan naman ang magkakasabay na itinaguyod ng tanggapan na dinaluhan ng butihing Direktor. Una, ang mga pamilya ng OFW na sumailalim ng livelihood training program. Pangalawa, ang pagpupulong ng Regional Agricultural and Fisheries Council (RAFC) na pinamunuan ni Chairman James Argosino. Pangatlo, ang Briefing at Orientation ng Provincial Government at ang Mayor’s League ng Laguna tungkol sa 2017-18 Plans & Programs ng DA RFO IV at paghikayat na makiisa sa Philippine Rural Development Project, at ang panghuli ay ang ground breaking (FMR-PRDP) na isinagawa sa Lobo, Batangas na siya ring pinagdausan ng awarding ceremonies sa Brgy. Olo-olo.
Nagpasalamat naman si Felix I. Ramos, Hepe ng Admin at Finance Division sa matagumpay na Regional Sports Fest 2017 na pinangunahan ni Alberto Marabe, Admin Officer II at ang mga kasamahang coordinators.